UPSILON OTSO OTSO SA TORONTO
U miikot ang mundo nang di man lang namamalayan
P anahon ay ayon naman kung saan naninirahan.
S umisikat ang araw doon sa may dakong silangan
I law sa dilim ng kalawaka’y bituin at buwan.
L umilipas ang araw at gabi sa kinabukasan
O ras, araw, buwan sa tangkay ng panaho’y nagdaan
N gayon nga ay taong DOS MIL SAIS na sa sanglibutan.
O tsentay otso anyos na ang Kapatirang Upsilon
T unay na matatag at nagpapatuloy sa pagyabong.
S alamat sa mga “Founder” sa magandang pakay at layon
O brang sinimula’y lumago sa hampas ng daluyong.
O kasyong Upsilon World Reunion tuwing dalawang taon
T ayo na sa Toronto at doon ay magtipon-tipon
S ama-samang ipagdiwang makasaysayang tradisyon
O portunidad sana’y sunggaban habang may panahon.
S undan nagkakaisang plano ng kapwa Upsilonian
A nyaya ng USPNA, Tsapter ng Toronto ay pagbigyan.
T utungo sa Toronto na may sigla at kagalakan
O bserbasyon ng isang Kapatirang kaugalian
R eunyong Pangmundo ng mga nagkalayong Upsilonian.
O ras magkita’y walang puknat na yakap, kumustahan
N akahanda sa Piknik sa Isla, Boat Cruise at Kambingan
T ampok ang Frat Ball, formal dinner, inumang may kant’yawan
O kasyo’y tila ba wala nang wakas sa kasayahan.
JOSIAS ‘Josie’ G. NATIVIDAD
UPSILON57
01enero2006
CANADA
bisitahin ang http://www.otsootsosatoronto.com