The 2005 Upsilon Sigma Phi Los Banos Chapter Grand Homecoming and Fellowship in conjunction with UPLB’s 2005 87th Loyalty Day Celebrations
Date: October 8 & 9, 2005
Venues: UPLB Campus, Hillspa Resort and GSP Grand Hall
Pagbati sa mga kapatid sa Upsilon!
Sa isang buwan ay muli nating ipagdidiwang ang Araw ng Katapatan ng UP Los Banos. Kilala rin na Loyalty Day sa marami, panahon na naman upang ang lahat ng Upsilonians mula sa UPLB at ang ating mga kapatid sa Diliman at Manila para magsama-sama sa dalawang araw ng kasayahan at pagdiriwang sapagkat alam natin na ang Loyalty Day ay hudyat ng ating taunang pagdiriwang o Grand Alumni Homecoming ng Upsilon Sigma Phi, Los Banos Chapter.
On behalf of the 2005 Loyalty Day - Still Rockin at 87 Organizing Committee and the USPLBAA Board of Directors, please join us on October 8 and 9.
Noong nakaraang taon, humigit-kumulang 250 Upsilonians ang lumahok sa iba’t-ibang gawain at mga programa na inihain ng 2004 Loyalty Day Organizing Committee na binuo ng pamunuan ng Asosasyon. Kasama na dito ang matagumpay na medical at dental mission sa Barangay Batong Malake na pinangunahan ng mga duktor na brods at mga dentistang kasama ni Dr Alex Urriquia ‘86. Ang Medical-Dental Outreach Program na ito ay pinamunuan ni Director Bobby Cadag ‘76. Nagkaroon din ng masayang General Membership Meeting kung saan nag-ulat ang ating Pangulong Bong Manlulu ‘85 at Chairman Tonny Domingo ‘68. Hindi maitatago ang kasiyahan ng mga brods sa sumunod na Workshop kung saan ang lahat ay umuwi na may ngiti sa pisngi (kung hinde lipstick). Sino rin ang makakalimot sa kisig at tikas ng mga brods na lumahok sa Foot Parade na bahagi ng pagdiriwang ng UP Los Banos Loyalty Day Celebrations at kung saan tayo ay nagmistulang Beatniks sa suot na itim na shirt at pantalon at ang itm na beret na naaayon sa ating tema na: Beatniks at 86! Sinundan ito ng pananghaliang piging na inihanda para sa mga bumibisitang brods at sis at kanilang pamilya. Nagkaroon din ng tugtugan, sayawan, kantahan at kantiyawan habang walang tigil ang pagbaha ng alak at serbesa. Ang matagumpay na Grand Homecoming Luncheon and Fellowhip ay pinangunahan po ng inyo lingkod na nagbabalik upang bigyan pa kayo ng isa pang masayang pagdiriwang sa Oktubre.
Sa taong ito, muling inihahanda ng 2005 USPLBAA Loyalty Day Organizing Committee ang isa na namang makabuluhan at masayang pagdiriwang ng ating Alumni Homecoming sa Oktubre 8-9, 2005. Samahan nyo kami na magsilbi, magpulong at magdiwang sa pamamagitan ng: Medical Mission - Feeding Seession sa pagpapasinaya ng mga Los Banos-based brods sa pamumuno ni Tony Zuniga 73, Budyong Balasoto 86 at Bob Bastillo 78 sa umaga ng Oktubre 8 para sa mga residente ng Barangay Anos, Los Banos; ang General Membership Meeting at kasiyahan sa gabi ng araw ding iyon sa Hillspa Resort sa kabutihang palad ni brod Tony Ocampo 56; at ang nakagawiang “foot Parade” sa UPLB Campus at Grand Homecoming Luncheon kinabukasan, Oktubre 9 sa Main Hall ng Girl Scouts of the Philippines – Laguna Chapter HQ sa Bayan, Los Banos.
Mahalaga ding ipaalala ko sa inyo na tayo ay muling pipili ng bagong lupon ng ating Asosasyon. Inaasahan ng 2004-2005 Board na tayo ay makikibahagi sa mahalagang pagpili ng mga bagong pinuno ng ating Asosasyon para sa susunod na termino sa 2006-2007. Para sa mga katanungan hinggil sa eleksyon ng bagong Board para sa taong 2006-2007, makipag-ugnayan sa pinuno ng USPLBAA 2005 Comelec, Director Gie Esguerra ‘68 at President Bong Manlulu 85. Nakatakda ang eleksyon sa GMM sa hapon ng Oktubre 8 (Sabado).
Para sa taong ito, ating pinili ang temang “Still Rockin’ at 87!” Ito ay ang ating pagpapahalaga sa kapanahunan ng Dekada 70 kung saan ang “pop culture” ay naimpluwensyahan ng musika ng Rock and Roll. Bilang sagot sa Beatniks ng Dekada 60, mahalaga ang ating pagpupugay sa mga brods na lumaki at namulat sa mundo ng Rock and Roll. Isa rin itong hudyat upang ang mga brods mula sa Dekada 70 na tanggapin ang pamumuno ng ating Asosasyon.
Makita-kita tayo sa Los Banos ngayong Oktubre. Dahil ang Upsilon, Still Rockin at 87!
Para sa lupong tagapag-handa,
Glenn Ollero ‘76
Vice-president for Manila, USPLBAA
Chairman, Loyalty Day 2005 Organizing Committee
STILL ROCKIN SCHEDULE OF ACTIVITIES
October 8 Saturday
9am-12nn Medical Mission at Barangay Anos Multi-purpose Hall
3-4.30pm Registration at Hillspa Resort
4.3-5.3pm Welcome Hour and Preliminaries
5.3-7pm General Membership Meeting and Election Proper
7pm D I N N E R
9ish “Workshops and Break-out Sessions”
October 9 Sunday
7-8am Traditional Welcome Breakfast at the UPLB Campus Map hosted by the Sigma Deltans
8-10am Participation in the Grand Foot Parade in our Still Rockin attire led by the jubilarian batches, 1955, 1965, 1980 and the NEW UPLB Chancellor Rey Velasco 74
10am Registration at GSP Grand Hall for the Grand Reunion and Fellowship
11am L U N C H
F E L L O W S H I P * F E L L O W S H I P * F E L L O W S H I P
SEE YOU THERE!!!!
For queries, please contact the USPLBAA Secretariat at:
Email: vraguilar@yahoo.com
Cell: +63918 918 2697
Direct: +632 910 2685 look for Weng Magaling (Sky Cable)
FEES:
Registration Fee: Php 800.00 covers Oct 8 dinner and fellowship; Oct 9 breakfast and Luncheon and Fellowship plus Still Rockin at 87 souvenir item and shirt
USPLBAA Annual Dues: Php 700.00 (for year 2005)
Donations for the Booze fund at Php 500.00 per case is most welcome, other donations in cash or in kind will be gladly appreciated by the organizing committee. Please contact Glenn Ollero for your generous support to this grand affair +639178151976