Alfredo L. Malicay ‘64 and Melito T. Glor ‘67 to be inscribed in the Bantayog ng mga Bayani

The Bantayog ng mga Bayani on November 30 will honor several more men and women for the courage they showed in opposing, at great risk to their lives, the dictatorial government of the late Ferdinand Marcos ‘37. Among the honorees are Alfredo L. Malicay ‘64 and Melito T. Glor ‘67, who will be honored together with four other individuals including former president Corazon C. Aquino.

Ceremonies honoring the martyrs and heroes will be held on November 30 at the Bantayog ng mga Bayani shrine at the corner of EDSA and Quezon Avenue. The rites will include the unveiling of a section of the Wall of Remembrance on which the names of this year’s honorees have been inscribed, adding them to the illustrious names which include brods Armando J. Malay ‘34, Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. ‘50, and Merardo T. Arce ‘70.

The Bantayog ng mga Bayani Foundation Inc. was organized in 1986 to nurture the memory of those who have “given their lives for the cause of freedom and justice.” It undertakes research and documentation on the lives of these exemplary Filipinos, building up an archive not likely to be found anywhere else.

Cory Aquino, nun, 4 activists join Bantayog heroes

Response delivered by Maria Teresa Tierra, first cousin and foster sister of Melito T. Glor, after the reading of his citation as a martyr in the struggle against Martial Law.

Magandang hapon po sa inyong lahat.  Ang buong pamilya at kaibigan ni Melito T.Glor ay lubos na nagpapasalamat sa pamunuan ng “Bantayog ng mga Bayani Foundation” sa pagpapahalaga at pagkilala sa ipinaglabang demokrasya sa ating bansa.

Pasasalamat din sa delegasyon ng kapatirang Upsilon Sigma Phi na nakiisa sa pagsaksi sa parangal ng Bantayog para kay Melito na kasapi nila.  Ang Upsilon fraternity ay naging malaking bahagi ng kanyang buhay simula noong estudyante pa sa Unibersidad ng Pilipinas.Ang pagiging malapit niya sa mga kapatid niyang Upsilonians ay nanatili hanggang sa paglabas niya ng UP at noong mga panahon ng pakikibaka.  Sa kanilang puso matagal ng kinikilalang bayani ng Upsilon si Melito.

Naalaala ko pa noong 8 taong gulang pa lang, 1972 noon.  Madalas kong marinig ang salitang pakikibaka, pagkakaisa, demokrasya, kalayaan….wala akong maintindihan.  Tumingkad ang pagkalito ng marinig ko “Martial Law na”!  Bakit kay gulo, may takot, bawal abutin ng dilim sa daan, marami ang hinuhuli at sa dakong huli marami ang namamatay?  Nagtatago si kuya Melito, bakit?

Dec 1974, may mga pulis sa bahay namin. Di ko maunawaan ang kanilang pinag-uusapan. Ilang saglit, nakakagulat na sigaw “Diyos ko anong aking kasalanan bakit anak ko ay pinabayaan?  Naglingkod ako sayo ng buong puso, wala akong inagrabyadong tao bakit ang anak ko”.  Malakas na paghagulhol, di matapos-tapos na panangis….kalunos-lunos tingnan isang inang nawalan ng anak….ng pag-asa.  Patay na si kuya Melito nabaril sa Labo lugar na sakop ng Bikol.  Agad nagpunta ang daddy para makuha ang kanyang labi at mabigyan ng maayos na libing. Marami ng tao sa harap ng bahay, halos mapuno na rin ang kalsada.  Samot- saring komento ang aming narinig, “bayani, tama lang ang ipinaglalaban, kawawa naman solong anak, matigas ang ulo ano laban nya”.  Dumating ang daddy walang dala,bigo ang lahat ng taong nag-aabang.Nailibin g na pala!!! Nong panahon ding yon ipinanganak ng kanyang asawang si ate Flor si baby Jose subalit binawian din ng buhay.  Wala na silang lahat, ang mommy, daddy, kuya Melito at baby Jose.  Sa kasalukuyan ay sinikap naming mapagsama-sama sila sa isang puntod.

Sa madilim na bahaging yon ng buhay namin, lumaki akong may ibang paniniwala ang huwag makialam sa bayan, pamahalaan at simbahan ang mahalaga walang natatapakan at walang naaagrabyadong tao.  Palakihin at pagaralin ang anak at gawing mabuting tao.  Ngayon ng dahil sa okasyong ito, ay pagkamulat dapat pa lang bantayan at alagaan ang demokrasyang ipinaglaban. Di masayang dahil tayo’y tao, Filipino, mamayan ng bansang Pilipinas.

Maraming salamat po!!!

About

The Upsilon Sigma Phi, founded in 1918, is the oldest fraternity in Asia. Based in the University of the Philippines, it has had an unbroken and singular association with the premier state university. There are no chapters outside of UP Diliman and UP Los Banos. The fraternity counts among its ranks, Benigno 'Ninoy' Aquino and former President Ferdinand E. Marcos.

Categories

Statistics

  • Page rendered in 0.9316 seconds
  • Total Entries: 158
  • Most Recent Entry: 08/25/2010 11:13 am