BALIKATANG
UPSILON SIGMA PHI
-
GAWAD KALINGA
U nang Frat, U.P. pamantasan
P umasok sa kasunduan
S ilang nasa kahirapan
I pagtayo ng tahanan.
L akip Frat na kagitingan
O ras, lakas, kakayahan
N akahanda’t nakalaan.
S asagupa sa labanan
I bangon ang mamamayan
G amit Credo-paninindigan
M alupig ang kahirapan
A dhikain ay makamtan.
P ag-asa’y muling masilayan
H angaring marangal tularan
I balik Frat sa “number one.”
-
G inintuan na paglingap
A ming magandang hinagap
W agas, walang kasing sarap
A lay sa mga mahihirap
D angal nilang pinapangarap.
K agagawang mga tahanan
A tin nang masayang buksan
L imutin ang nakaraan
I sipin kinabukasan.
N agkakaisang simulan
G amitin sa kabutihan
A ri na ninyong tirahan.
Doni Altura ; Danny Gozo
USPAA Chairman ; Pangulo
Gawad Kalinga’’y nagkasundo
Sa ‘sang balikatang proyekto.
PARA SA UPSILON ITO
MABUHAY!! Kami’y SALUDO!!