AGOSTO BEINTE UNO

Isang paggunita sa KABAYANIHAN ni . . . 

FELLOW BENIGNO ‘NINOY’ S. AQUINO ‘50

N agbabalik sa alaala tuwing Agosto beinte uno
I sang kilalang subok at tunay na Upsilonian maginoo
N agmamadali kadalasan sa tanging buhay na destino
O ras di alintana, kamatayan hinarap taas-noo
Y umanig, gumising sa bawa’t ‘sang kababayang Pilipino.

S igaw ng nagising na Pinoy : HINDI KA NAG-IISA NINOY!!

A ngking mga katangian hulmang hulma sa Credo ng Upsilon
Q uezon mithiing Pilipinas noong matagal na panahon
U malalay sa maikling buhay, sa bayan mga naging layon
I nakong mamatay, nang inang bayang Pilipinas magbangon
N anaig tawag ng bansa higit sa pangsariling ambisyon
O pus ng kabayanihan katangi-tanging karangalang Upsilon.

Nasa alaala ng mga Brod at Sis sa Toronto
Tuwing sasapit ika-beinte uno ng Agosto
Kaya’t sa Upsilon Reunion sa 2006 Agosto
Ating tinaguriang Otso Otso sa Toronto
Sama-samang gunitain si Brod Ninoy Aquino
Pambansang bayani ng mamamayang Pilipino.

Josias ‘Josie’ Natividad’57
21Agosto2005
Mississauga, ON
C a n a d a

About

The Upsilon Sigma Phi, founded in 1918, is the oldest fraternity in Asia. Based in the University of the Philippines, it has had an unbroken and singular association with the premier state university. There are no chapters outside of UP Diliman and UP Los Banos. The fraternity counts among its ranks, Benigno 'Ninoy' Aquino and former President Ferdinand E. Marcos.

Categories

Statistics

  • Page rendered in 4.6656 seconds
  • Total Entries: 121
  • Most Recent Entry: 12/07/2008 02:40 am